VISION

The Iglesia Unida Ekyumenikal is a steadfast and growing church because of its strong faith. It bears witness, testifies, and faces the challenges of the new millennium, ready and dedicated to the fulfillment of building the Kingdom of God under the guidance of the Holy Spirit together with all who are faithful to Christ Jesus.

Edukasyong Kristiyano at Pangangalaga 

  • Malikhaing makapagsaayos ng mga programang pang-edukasyon na maglulunsad ng mga pagsasanay bilang tugon sa mga pangangailangan ng iglesia tungo sa pagsasakatuparan ng kanyang “tatsulok na adhikain.”-
  • Linangin ang mga kaalaman, pag-uugali, at kakayahan ng mga Kristiyano tungo sa pagpapatibay ng pananampalataya.
  • Patatagin ang paglago ng Kristiyano.
  • Sanayin, pahusayin, at ihanda para sa paglilingkod.

Ebanghelisasyon 

May kasigasigang ipahayag at ipalaganap ang Mabuting Balita ng kaligtasan.

Pakikipag-ugnayang Ekyumenikal 

Patuloy na mapatatag ang pakikipag-ugnayang ekyumenikal sa mga kapatid na simbahan bilang mga tagapaglingkod sa misyon at potensyal ng Iglesia Unida Ekyumenikal.

Christian Education and Nurture

  • Creatively develop educational programs that launch trainings in response to the needs of the church toward the realization of its “triangular aspiration.”
  • Cultivate the knowledge, attitude, and skills of Christians for the strengthening of their faith.
  • Strengthen the growth of every Christian.
  • Train, equip, and prepare for service.

Evangelization

Passionately proclaim and spread the Good News of salvation.

Ecumenical Relations

Continuously strengthen ecumenical relations with sister churches as co-workers in the mission and potential of the Iglesia Unida Ekyumenikal

Ang Iglesya Unida Ekyumenikal ay nakaugat sa kasaysayan ng Iglesya Ebanghelika sa Pilipinas. Dahil ang ating pinagmulang Iglesia Evangelica Unida de Cristo ay bunga ng mga Filipino Evangelico Cristiano na nagnanais ng pagkakaroon ng isang iglesyang may kalayaang magpasya sa sarili at malayang maipahayag ang kanilang pananampalataya. Sa maagang yugto bago dumating ang ika-19 na siglo (19th century), dumating ang pananampalatayang ebangheliko sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang paring Kastila na si Enrique Alonzo Llave sa pamamagitan ng pagsasalin ng Bibliya sa Pangasinense. Pagkatapos ng lagdaan ng mga Amerikano at Kastila ang Kasunduan sa Paris (Treaty of Paris), ay naglunsad ng pakunwaring labanan sa Manila Bay (Mock Battle of Manila Bay) upang palabasin na ang mga Amerikano ang nagpalaya sa Pilipinas buhat sa kamay ng mananakop na Kastila. Taong 1898 ipinadala ng Young Men Christian Association (USA) si Rev. George C. Stull upang maging chaplain ng mga sundalong Amerikano. Dumating din si Rev. Charles Owen na isang Methodist Episcopal, ngunit hindi opisyal na misyonero sa Pilipinas. Pagkalipas ng ilang linggo, ay nagpulong ang American Board of Foreign Missions sa New York na ang agenda ay magpadala ng mga misyonero sa Pilipinas. Tatlong malalaking evangelical denominations of America ang dumalo sa pagpupulong: a. American Foreign Missions of the Presbyterian Church b. Missionary Society of the Methodist Episcopal Church c. The American Baptist Missionary Union Taong 1889 ipinadala ng Methodist Episcopal Church si Rev. Bishop James M. Thoburn upang pag- aralan ang pagpapadala ng mga misyonero sa Pilipinas. Sa loob ng dalawang linggo ay nakapagtatag siya ng isang maliit na iglesya sa Maynila. Sinundan ito nina Rev. Thomas H. Martin at Rev at Gng. J. L. Mclaughlin. Sa pamamagitan ng mga misyonerong ito ay mabilis na dumami ang bilang ng mga kaanib ng Iglesia Metodista Episcopal. Abril 1899 – ipinadala naman ng Presbyterian Church (USA) sina Rev. at Gng. James B. Rogers. Sinundan ito nina Dr. at Gng. Hibberd, founder ng Siliman University sa Negros Oriental. Sina Dr. at Gng. George W. Wright at Dr. at Gng. Andrew Hall ay mga misyonerong manggagamot. Sila ay nakapagtayo ng mga kongregasyon, paaralan at pagamutan sa iba’t-bang dako ng bansa. Mula noon ay sunod-sunod na dumating sa Pilipinas ang mga misyonerong dayuhan. Upang maiwasan ang pag-aagawan ng teritoryo ng pagmimisyon, hinati ang Pilipinas sa pamamagitan ng tinatawag na Comity Agreement. Ang hatian: a. Iglesia Metodista Episcopal- Gitnang Luzon at kalahati ng Norte b. Presbyterian Church- South Luzon at kalahati ng Isla ng Visayas c. United Brethren- La Union at Mountain Province d. Disciples of Christ- Kalahati ng Northern Luzon at ilang lugar sa Maynila at karatig bayan, sa pakikipagkasundo sa Presbyterian Church. e. Congregationalist-Mindanao f. Christian Missionary Alliance- Southern Mindanao at Sulu Archipelago g. Ang Maynila ay siyang sentro ng pagmimisyon A.

PAGSILANG NG MGA IGLESIA EVANGELICA NA PINAMUNUAN NG MGA FILIPINO

1909 – ipinanganak ang Iglesia Evangelica Metodista En Las Islas Filipinas, (IEMELIF) sa pangunguna ni Rev. Nicolas Zamora. Natatag ito dahil sa kawalang tiwala ng mga misyonerong Amerikano sa kakayahan ng mga Filipino sa pangunguna at pamahalaan ng Iglesia Methodista Episcopal. Oktubre 5, 1913 – nagdaos ng pagpupulong sa Maynila ang mga Evangelicong Pilipino na nagnanais ng pagsasarili sa pangunguna ni Kap. Felipe Buencamino. Doon ay napagkaisahan nila ang pagkakaroon ng isang iglesiang may kalayaang magpasiya sa sarili na walang pakialam ang mga dayuhan, at gayundin na nagawa ang Saligang Batas ng Iglesia de los Cristianos Filipinos. 1914 – naitatag ang Iglesia Evangelica de los Cristianos Filipinos sa pangunguna ni Rev. Gil Domingo Ang pagiging makabayan ay hindi nawawala sa puso ng mga Pilipino kahit na sila ay nasakop ng mga dayuhan. Ang paghahangad na maging malaya ay tumatagos maging sa kanilang pananampalataya. 1925 – maraming mga iglesia na pinangungunahan ng mga Pilipino ang nagkaisang magsama-sama tungo sa pagiging isang Iglesia. Sinimulan ito sa pagbubuo ng Liga de los Ministros Evangelicos at Confederacion de los Iglesias Evangelicas. Nobyembre 10,

1930 – ginanap ang isang pagpupulong ng mga lider ng Simbahang Evangelico na nagsasarili. Ang mga dumalo: Rev. Gil Domingo, Sr. ng Iglesia Evangelica de los Cristianos Filipinos, Rev. Moises Buzon ng Iglesia Trinitariana, Ob. Victoriano Mariano ng Iglesia Evangelica Metodista Reformado. Bukod sa tatlong mga Iglesia at mga mga manggagawa na tumugon sa panawagan ng pagpupulong para sa kaisahan. Inanyayahan din ang labintatlo (13) pang nagsasariling mga iglesia at ang mga tanyag na mga kapatid ebangheliko katulad nina Don Teodoro R. Yangco ng  Iglesia Evangelica Presbiteriana, Dekano Jorge C. Bocobo ng Iglesia Metodista Episcopal, at Atty. Prudencio Remigio. Subalit anim (6) lamang sa mga iglesiang nakipagpulong ang naghayag ng kanilang buong pusong pagsanib. Ang mga Iglesiang ito ay : Iglesia Evangelica de los Cristianos Filipinos (itinatag noong 1913 mula sa tradisyong Presbiteryana) Iglesia Evangelica Cristiana Trinitaria (itinatag noong 1914 mula sa tradisyong Metodista) Iglesia de Jesu-Cristo Jerusalem Nueva (itinatag noong 1916 mula sa tradisyong Metodista) Iglesia de Dios (itinatag noong 1921 mula sa tradisyong Metodista) Iglesia Evangelica de Atlag (itinatag noong 1921 mula sa tradisyong Metodista) Iglesia Evangelica Metodista Reformada (itinatag noong 1926 mula sa tradisyong Metodista) Oktubre 4, 1931 Idinaos ng anim na nagkakaisang iglesia ang pananambahan sa Iglesia Evangelica de Atlag, sa Malolos, Bulacan. Isinunod ang pulong sa pagpili ng pangalan. Ang bawat isa ay nagsulat bilang mungkahi subalit natagpuan na anim na iba’t-ibang pangalan ang ibinigay. Dahil dito, iminungkahi ni Ob. Mariano na gawin ang pagpili sa pamamagitan ng panalangin at pelotilya. Sa paraang ito. Ang nabunot na pangalan na siyang “iniibig ng Panginoon” ay, “Iglesia Evangelica de Pilipinas.” Subalit mayroon itong kapangalan na nauna ng nagpatala. Hanggang sa mabuo at mapatala sa SEC ang pangalang

IGLESIA EVANGELICA UNIDA DE CRISTO (IEUDC)

Oktubre 21, 1931 Ginawa ang pagpili ng pamunuan na uugit sa iglesia, ito’y sa paraang pelotilya. Ang mga napili: Ob. Victorino Mariano- Superintendente Heneral; O. Moises Buzon-Secretario Heneral, Reb. Quintin Santiago-Tesorero Heneral at Reb. Atanacio Pineda-Ebanghelista Heneral. Nobyembre 26, 1952 – naitatag ang isang Federacion ng mga simbahang Evangelico sa Pilipinas kung saan ang IEUDC ay “founding member”. Sa ngayon, ang nasabing federacion ay nakikilala sa pangalang National Council of Churches in the Philippines (NCCP), Sangguniang Pambansa ng mga Simbahan sa Pilipinas. Ito ay pagsasama-sama ng sampung (10) mainline Protestant and non-Roman Catholic churches in the Philippines at sampung (10) service oriented organizations in the Philippines. Ang NCCP ay kaanib ng World Council of Churches at Christian Conference of Asia. Ang bilang mga miyembrong kasapi ng NCCP ay humigit-kumulang sa labindalawang milyon (12 million). Ang mga kasaping simbahan: Apostolic Catholic Church (ACC) Convention of Philippine Baptist Churches (CPBC) Episcopal Church in the Phippines (ECP) Iglesia Evangelica Metodista En Las Islas Filipinas (IEMELIF) Iglesia Filipina Independiente (IFI) Iglesia Unida Ekyumenikal (IUE) Lutheran Church in the Philippines (LCP) Tha Salvation Army (TSA) The United Methodist Church of the Philippines (UMC) United Church of Christ in the Philippines (UCCP)

Mayo 1994 – pinagpasyahan ng asembleya ng IEUDC na talikuran ang prinsipyo ng pakikipagkaisa sa pamamagitan ng pagkalas bilang kaanib ng NCCP. Ang mga delegado noon mula sa San Pablo, Templo Central, Malabag, Bacoor at Sta. Rosa at iba pang mga delegado ay magalang na nagpaalam sa pangulo ng asembleya 5 na sila’y hindi sasaksi at sasali sa pagpapasya ng pagkalas sa NCCP sa kadahilanang “ang isang kasaysayan ay di dapat pinagbobotohan, kundi ito’y iginagalang at pinagyayaman.” ( Ito ang naging pahayag ni Atty. Raoul V. Victorino, na ngayo’y retired Justice ng Sandigang Bayan, unang Obispo at Pangulo ng Iglesia Unida Ekyumenikal , kaya’t sila’y lumabas sa kapulungan sa oras ng pagbobotohan.

Mayo 1995 – pinagpasyahan ng pamunuan ng IEUDC sa panahon ng kanilang asembleya ang pagtanggal sa mga pastor na pinag-aral sa Union Theological Seminary (UTS) sa talaan ng mga manggagawa ng IEUDC kaalinsabay ng pagbawi sa lahat ng responsibilidad, benepisyo at pananagutan ng IEUDC sa mga Pastor at Diakonisa na tinanggal, kasabay din nito ang pagtatagubilin sa lahat na huwag papasukin sa simbahan at patayuin sa pulpito. Hindi naging katanggap-tanggap ang kapasyahang ito ng IEUDC sa kapatiran ng San Pablo, Malabag at Templo Central.

LOGO AT BANDILA

A. Open Bible: Basis of faith — Word of God, teachings, and revelation.

B. Cross: Symbol of faith — salvation and redemption through Christ.

C. Dove: Represents guidance of the Holy Spirit — unity in worship, study, preaching, and service.

D. Hands: Symbol of love and unity — continuous revelation and power of God through the Holy Spirit.

E. Colors of the Flag: Blue, white, red — signify God-centeredness, humanity, nationhood, and nature.

Pastors

Rev. Marcelo Soriano

Rev. Leonardo Morada

Rev. Wilfredo Fernando

Rev. Byron Bicomong

Ptr. Astrud Eina Habac

Rev. Esther Toledo

Rev. Jarwen Grason Reyes

Rev. Carlitos Tiquia

Rev. Kenneth Aguilera

Rev. Ervin Toledo

                                               Rev. Emmanuel Infante                                                  

Direktor na Pastor Presbitero:

Rev. Kenneth Aguilera

Rev. Andreo Buerano

Rev. Wilfredo Fernando

Rev. Jarwen Grason Reyes

Rev. Marcelo Soriano

Rev. Esther Toledo

Direktor na Tanging Tagapaglingkod:

Diak. Eden Nanquil

Diak. Khaey Catherine Tolentino-Reyes

Direktor na Layko:

Kptd. Neneth Fernando

Kptd. Rodante Ayeras

Honorary Members:

Justice Marina L. Buzon

Kptd. Ruby B. Victorino